Huwag na huwag kalimutang magdala ng 1x1 na picture. Damihan niyo na kung kailangan.
Magdala kayo ng index card in case lang.
Tignan mabuti ang schedule bago pumasok. Huwag agad papasok ng room. Ako nabiktima na niyan. Pumasok ako sa ibang room tsaka pumasok ako hindi ko pa pala time. Epic fail lang. Nakakahiya haha.
Huwag na huwag kakalimutan ang panulat at susulatan.
Syempre ID hindi talaga pwedeng kalimutan.
Maging friendly sa unang araw pa lang. Hindi yung mananahimik ka sa isang tabi at hihintaying may lumapit sayo. Ano ka pa-importante?.
Magpakilala sa harap ng prof. with confidence para may impression agad.
Uso sa college ang ENGLISH SPOKEN pag nagpapakilala, kaya mag-practice ka na. Isama mo na yung mga tanong na:
Why did you choose this course?
Why did you choose this University?
Ngumiti palagi.
Huwag ma-pressure. Ang first day ang pinaka-relaxing day sa college kasi getting to know palang tsaka maaga ang dismiss para makagala sa campus.
Makipagkwentuhan ka na agad, para masaya.
Maghanap na agad ng magiging barkada. Kasi madalas kung sino yung mga nakasama mo nung una, sila na hanggang huli.
Mamimili ng kakaibiganin. Huwag yung alam mong dadalhin ka sa maling landas.
Magdala ng sapat na perang pang-kain. Dahil mas mahaba pa ang oras ng vacant kesa sa klase dahil first day.
- di sakin to. pinaalam ko naman sa kaibigan ko na ggmitin ko haha ingat2 ang lahat :D God bless. enjoyin lang ang lahat i-comment ang gustong idagdag dito haha ^^,














